DOLE, DOH may pulong sa posibilidad na suspensiyon ng trabaho dahil sa COVID-19

0
26

Nakatakdang magpulong anumang oras ngayong araw ang Department Of Health (DOH) at Dept. Of Labor And Employment (DOLE) hinggil sa posibilidad ng suspensiyon ng trabaho sa bansa dahil sa banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III makakapulong nila ngayong araw ang DOLE, Civil Service Commission (CSC) at Department of Education DEPED hinggil sa nasabing work suspensiyon.

Gayunman, sinabi naman ni Duque the kailangan pang pagtibayin ng inter agency task force anuman ang maging rekumendasyon ng mga eksperto sa nasabing pulong.

Una Rito,     sinabi ng labor Sec. Silvestre Bello III na dapat na payagan ng mga employers ang kanilang mga empleyado na mag-adopt ng flexible working arrangements.

Sinabi ni Bello dapat na maging concensus ang desisyon hinggil sa work from home agreement.