Friday, May 3, 2024

DOLE, BSP hinikayat na idaan sa ATM ang sahod ng mga manggagawa

- Advertisement -

Hinihikayat ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na idaan sa ATM (Automated Teller Machine) ang mga sahod ng manggagawa.

Ayon kay DOLE Bureau of Labor Relations Director Maria Consuelo Pacay, ang hakbang na ito ay para maprotektahan ang mga sahod sa posibleng pananamantala.

Aniya, isa na rin itong pagkakataon upang makapag-ipon ang mga empleyado sa kani-kanilang ATM.

Samantala, aminado naman ang DOLE na marami pa ring employer na hindi idinadaan sa bangko ang mga sahod ng kanilang manggagawa dahil hindi rin naman ito nakasaad sa batas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img