DOLE aminadong hirap kumuha ng mga bagong abogado sa baba ng sahod

0
45

Inamin ng Department of Labor And Employment (DOLE) na nahihirapan ang ahensya sa pag-hire ng mga bagong empleyado lalo na ng mga abogado.

Ito ay kasunod nang pagsita ni Senator Imee Marcos sa budget hearing kung bakit mayroong 1,000 job vacancies ang hindi pa rin napupunan ng DOLE.

Pero paliwanag ni Labor Secretary Silvestre Bello III, masyadong mababa ang entry level ng mga abogado sa kanila kung kaya’t mas ginugusto ng mga iba na sa Department Of Justice (DOJ), Public Attorney’s Office (PAO) at sa Office of Solicitor General na lamang mag-apply.

Aniya, wala rin silang quasi-judicial function at puro legal lamang kung kayat mas mababa ang sweldo sa kanila.

Dahil dito, nagpapasaklolo naman si Bello sa senado na matulungan silang solusyonan ito at maitaas ang sahod ng kanilang mga abogado kahit papaano.

Tiniyak rin ng DOLE na nakikipagtulungan na sila sa iba pang mga ahensya ng gobyerno kabilang na ang NEDA para sa employment recovery. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)