DOJ pwedeng harangin ang rekomendasyon ng BuCor sa pagpapalaya ng preso sa bisa ng GCTA

0
38

Puwedeng harangin ng Dept. of Justice (DOJ) ang naging rekumendasyon ng Bureau of Corrections (BuCor) hinggil sa mga palalayaing preso sa bisa ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon nasa DOJ ang huling pagpapasya para sa mga palalayaing preso na sangkot sa mga karumal dumal na krimen.

Paliwanag nito, sa mga preso naman na hindi nahatulan sa heinous crime, hindi na kailangan pang dumaan sa kalihim ng DOJ ang pagpapasya para sa kanilang paglaya.