DOJ, pres’l legal counsel sanib-puwersa vs. Maynailad, Manila Water

DOJ, pres’l legal counsel sanib-puwersa vs. Maynailad, Manila Water

by Powered by DWIZ
30 views

Sanib-puwersa ang Department of Justice (DOJ) at Office of the Chief Presidential Legal Counsel laban sa paghahabol sa Maynilad at Manila Water.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na tutulungan niya ang DOJ sa pag-aaral para kasuhan ng economic plunder, economic sabotage at large scale estafa sina Fernando Zobel de Ayala –may-ari ng Manila Water, at Manny Pangilinan –may-ari naman ng Maynilad.

Isasampa aniya ng gobyerno ang mga nasabing kaso kapag hindi pumayag ang dalawang water concessionaire sa ilalatag ng bagong kasunduan ng gobyerno.

Ayon pa kay Panelo, noon pa naman ay paulit-ulit nang sinasabi ng Pangulong Rodrigo Duterte na walang maibibigay na katiyakan ang pamahalaan laban kina Ayala at Pangilinan na makatakas sa bansa sa posibilidad na mayroong ilang pribadong indibidwal ang maghahain ng kaso laban sa kanila.

0 comment

Related Posts