DOJ pormal nang naghain ng apela sa Makati RTC Branch 148

0
48

Pormal nang naghain ng apela ang Department of Justice (DOJ) sa Makati City Regional Trial Court Branch 148.

Kaugnay ito ng ibinasurang hirit ng ahensiya na pagpapaaresto kay Senador Antonio Trillanes IV sa kasong kudeta.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, inihain na kahapon ng mga state prosecutors ang kanilamg motion for partial reconsideration sa sala ni Judge Andres Soriano.

Itinakda naman ng mababang hukuman sa Martes, Oktubre 30 ang pagdinig sa kanilang mosyon.