31.3 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

DOJ pinakakasuhan si ex-DOH Sec. Garin at 19 iba pa kaugnay ng dengvaxia controversy

- Advertisement -

Pinakakasuhan na ng Department of Justice o DOJ si dating Health Secretary Janet Garin at 19 na iba pa dahil sa pagkamatay ng ilang batang nabakunahan ng dengvaxia.

Ayon sa DOJ panel, may nakita silang sapat na basehan para kasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide si Garin, siyam na health officials, dalawang opisyal ng Food and Drug Administration o FDA, dalawang opisyal ng research institute for tropical medicine at anim mula sa Sanofi Pasteur, ang manufacturer ng dengvaxia.

Malinaw anila na nagkulang sa pag-iingat at foresight si Garin at iba nang madaliin nila ang registration at pagbili ng dengvaxia at gamitin agad ito sa school based mass immunization program.

Pinuna rin ng DOJ panel na tila hindi nasunod ang proseso at regulasyon sa pagbili ng tatlo at kalahating bilyong pisong halaga ng dengvaxia.

Ang kasong dinesisyunan ng DOJ panel ay para pa  lamang sa siyam mula sa 35 na reklamo na inihain ng mga magulang ng mga batang nabakuhanan ng dengvaxia subalit sumakabilang buhay.

Samantala, ibinasura ng DOJ panel ang kaso laban kay Health Secretary Francisco Duque III at Zuellig Pharma Corporation.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -