DOJ nilinaw na ‘person of interest’ sa ‘Bikoy’ video ang inaresto ng NBI

0
51

Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na hindi si alyas ‘Bikoy’ ang naaresto at nasa custody ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI).

Si alyas ‘Bikoy’ ay ang nasa likod ng serye ng mga video sa Youtube na nag-uugnay sa ilang miyembro ng pamilya Duterte sa illegal drugs.

Ayon kay Justice Undersecretary Mark Perete, ang uploader ng video na itinuturing na ‘person of interest’ ang inaresto dahil sa cybercrime libel at hindi ang alyas ‘Bikoy’ na lumabas mismo sa video.

Samantala, nagkasa naman ng press conference ang NBI bukas, Mayo 3 upang magbigay ng iba pang detalye sa pagkaka-aresto ng suspek.

Matatandaan na sa ilang video na may pamagat na ang totoong narcolist, lumabas si Bikoy na nagpakilalang dating miyembro ng drug syndicate kung saan kasama rin di umano sina presidential son Paolo Duterte, presidential daughter Kitty Duterte at dating special assistant to the president Bong Go.