DOJ naniniwalang tuloy tuloy parin ang rebelyon sa Mindanao kahit may martial law

0
45

Naniniwala ang Department of Justice na tuluy tuloy pa rin ang rebelyon sa Mindanao kayat umiiral pa rin dito ang martial law.

Gayunman, nilinaw ni Justice Secretary Menardo Guevarra na sakaling ideklara ng AFP na kontrolado na ang rebelyon sa rehiyon, maaari nang alisin ang martial law dito.

Una nang inihayag ni Senador Bong Go na bahala na ang local at national government na magpasya kung dapat nang bawiin ang martial law sa Mindanao.

Nakatakdang magtapos sa darating na December 31 ang bisa ng martial law matapos katigan ng Korte Suprema ang pagpapalawig nito ng tatlong beses .

(with report from Bert Mozo)