DOJ nakahanap ng batayan sa pagbuhay ng kasong coup d’état ni Trillanes

0
46

Nakahanap ng batayan o jurisprudence ang Department of Justice (DOJ) kaugnay sa kasong kueta ni Senador Antonio Trillanes IV na binubuhay umano sa Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 148.

Iginiit ng Department of Justrice (DOJ) sa isinumiteng reply sa inihaing dagdag komento ni Trillanes na kailangang may pag amin sa pagkakasala ang isang pinagkalooban ng amnestiya.

Batay pa sa reply ng DOJ sa Makati RTC Branch 148, tinukoy nito ang naging desisyon ng Korte Suprema nuong 1963 sa kaso ng isang Gaudencio Vera na sangkot sa kidnapping na nais mag-avail ng amnesty subalit hindi pinagbigyan dahil hindi nito inamin ang pagkakasangkot sa krimen.

Sa certification naman ni Lt Col. Thea Joan Andrade na nagsasabing nakumpleto ni Trillanes ang mga requirement para sa kaniyang amnesty. Sinabi ng DOJ na hindi kategoryang nakasaad na nakatanggap din siya ng detalyadong pag-amin ni Trillanes na sangkot ito sa Oakwood Mutiny nuong 2003 at Manila Peninsula Siege nuong 2007.

Ginawa ring basehan at ebidensya ng DOJ ang media interview ni Trillanes sa isang TV station nuong Enero 2011 kung saan sinabi nitong hindi niya aamining sangkot siya sa kudeta.