DOJ inatasan ang NBI na imbestigahan ang pagpatay kay Batuan VM Yuson

0
13

Inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na maglunsad ng imbestigayon sa pagpatay kay Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III.

Base sa inilabas na department order ng DOJ, binibigyan nito ng pahintulot ang NBI na magsampa ng mga kaukulang kaso sa mga responsible sa pagpatay sa bise alkalde.

Naatasan din ni NBI Director Dante Gierran na regular na magsumite ng proseso ng kanilang imbestigasyon.

Matatandaang namatay si Yuson matapos pagbabarilin habang kumakain sa Samapaloc, Maynila noong Oktubre 9.