DOJ ikinatuwa ang hatol kay Palparan at sa 2 sangkot sa pagdukot sa UP students

0
42

Welcome para sa Department of Justice (DOJ) ang naging pasya ng korte sa kaso ni retired Major General Jovito Palparan.

Matatandaang hinatulang guilty ng Malolos Regional Trial Court (RTC) Branch 5 si Palparan pagdukot sa University of the Philippines (UP) students na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan nuong 2006.

Ayon kay DOJ Secretary Menardo Guevarra, patunay lamang ito na darating pa ang hustisya kahit gaano katagal ito hinintay.

Hinatulan si Palparan at dalawang iba pa ng habambuhay na pagkabilanggo.