DOJ dinipensahan si Sotto

0
23

Dinipensahan ng Department. of Justice (DOJ) si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Ito ay matapos na pagpaliwanagin ng NBI si Sotto hinggil sa pagpayag nitong makabiyahe ang mga tricycle sa Pasig na isa umanong paglabag sa bayanihan to heal as one act.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, hindi na maaring papanagutin pa ng NBI si Sotto, dahil bukod sa hindi naman retroactive ang nasabing batas ay nahinto na naman ang tinutukoy ng NBI na naging paglabag ng alkalde.

Gayunman, sinabi naman ni Guevarra na walang kinalaman ang. DOJ sa naging hakbang ng NBI, bagkus ay ang naging direktiba lamang aniya ng DOJ sa NBI ay ang kautusan ng Pang. Rodrigo Duterte na i-monitor ang mga hakbang ng local government unit LGU’s sa bansa hinggil sa ipinatupad na enhanced community quarantine sa Luzon.