DOH: Walang na sapat pondo ang gobyerno para isama sa mass testing ang mga walang sintomas ng COVID-19

0
31

Walang sapat na pondo at kakayahan ang pamahalaan para isama sa mass testing ang mga indibidwal na wala namang sintomas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ayon mismo kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire kasabay ng pagsasagawa ng pamahalaan ng mass testing sa bansa upang matugunan ang tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sinabi ni Vergeire, prayoridad kasi sa ngayon ng pamahalaan na isalang sa pagsusuri ang mga may sintomas ng COVID-19, mga matatanda, buntis, mga health care workers at yung mga pasyenteng may pre-existing health conditions.

Aniya, nasa 10 lamang kasi ang COVID-19 laboratories sa bansa kung saan lima sa mga ito ang maghihintay pa ng tatlo hanggang apat na araw bago makapaglabas ng resulta.