DOH sang-ayon sa panawagan ni Lorenzana na idirekta ang ipapadalang tulong sa Mindanao

DOH sang-ayon sa panawagan ni Lorenzana na idirekta ang ipapadalang tulong sa Mindanao

by Powered by DWIZ
0 comment 9 views

Sang-ayon ang Department of Health (DOH) sa panawagan ni Defense Sec. Delfin Lorenzana sa publiko na idirekta na lamang ang mga ipadadalang tulong sa mga apektado ng lindol sa Mindanao.

Ito’y makaraang mabiktima ng food poisoning kamakailan ang halos 30 bakwit makaraang makakain ang mga ito ng ipinamahagi sa kanilang panis na pastel.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, bagama’t wala namang masamang magbigay ng tulong sa mga bakwit, pero kailangan aniyang matiyak na ligtas at maayos ang mga ipamamahaging tulong.

Magugunitang kumalat sa social media ang larawan ng mga bakwit sa Cotabato City na nanghihingi ng limos sa tabi ng lansangan bitbit ang ilang placard na ayon kay Lorenzana ay posibleng ginagamit lang ng ilang grupo para siraan ang ginagawang hakbang ng gubyerno.

 

0 comment

Related Posts