DOH patuloy ang pagbibigay tulong sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

0
22

Tuloy-tuloy ang tulong na ipina-aabot ng Department of Health (DOH) sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng magkakasunod na lindol sa Mindanao.

Ito’y ayon kay Health Secretary Franciso Duque III kung saan tiniyak nito na kumpleto ang ipadadala nilang ayuda sa Regions 11 at 12 partikular na ang suplay ng gamot, pati na rin ang medical at psychosocial services ng DOH.

Kasabay nito, tiniyak din ni Duque na patuloy ang monitoring ng DOH sa mga napinsalang ospital sa rehiyon.

Aniya, hindi rin mahihinto ang gamutan o ang pagbibigay ng lunas sa mga pasyente sa mga naapektuhang ospital sa Mindanao.

Kasabay nito, tiniyak din naman ni Duque na mayroong quick response fund ang DOH, at nagpadala na rin aniya sila ng rapid assessment team sa Mindanao upang matukoy ang tindi ng pinsalang idinulot ng lindol.