DOH naglunsad ng website vs. nCoV

0
18

Naglunsad ang Department of Health (DOH) ng isang official webpage na tututok sa mga balita hinggil sa 2019 novel coronavirus (nCoV).

Ang webpage ng ahensya ay https://www.doh.gov.ph/2019-ncov.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, layon ng webpage na makasiguro na evidence at science-based ang mga nakakalap na impormasyon ng publiko kaugnay sa sakit na nCoV.

Para d’yan nalang po ang puntahan at para nang sa gano’n, mas nakakasiguro tayo na ang mga impormasyon natin ay evidence-based at science-based,” ani Duque.

Nanawagan naman si Duque ang publiko na maging mapanuri sa mga balita na kanilang nakakalap at hindi ito dapat kaagad na paniwalaan ng hindi bineberipika sa DOH, gayung araw-araw naman  silang nagbibigay ng updates upang makabawas sa pangamba ng mga mamamayang Pilipino.

Kaya araw-araw na rin tayong nagbibigay ng update para nang sa ganon, ito ay makabawas sa pangamba ng ating mga kababayan. At ang pakiusap ko rin sa ating mga kababayan, maging mapanuri sa mga balita na kanilang nakakalap at hindi dapat ito basta-basta pinapaniwalaan,” ani Duque. —sa panayam ng Ratsada Balita