DOH kinumpirmang may 3 panibagong kaso ng polio sa bansa

0
15

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang tatlong panibagong kaso ng polio sa bansa.

Ayon sa tala ng ahensiya, isang apat na taong gulang na batang babae mula sa North Cotabato, dalawang taong gulang na batang babae mula Maguindanao at isang taong gulang na batang lalaki mula Cotabato ang mga panibagong kaso.

Dalawa sa mga ito ay hindi nabakunahan kontra sa sakit at ang isa ay hindi nakumpleto ang required doses ng health department.

Pare parehong isinugod sa Cotabato Regional Medical Center ang tatlong pasyente.

Magugunitang noong Setyembre kinumpirma ng DOH ang pagbabalik ng polio sa bansa makalipas ang 19 na taon.