Thursday, May 9, 2024

DOH Hinimok ang publiko na hindi maging kampante sa Nipah Virus

- Advertisement -

Hinihimok ng tanggapan ng Department of Health ang publiko na paghandaan at sundin ang kanilang payo para maiwasan ang pagkalat ng sakit na Nipah Virus.

Ito ay sa kabila ng katotohanang wala pang naitatalang kaso ng Nipah virus sa bansa.

Ang Henipavirus na karaniwang matatagpuan sa mga fruit bat ay kabilang sa pamilya ng virus na kinabibilangan ng Nipah at Hendra.

Ayon sa DOH, ang virus ay maaaring makuha sa pamamagitan ng direktang kontak sa dugo, ihi, dumi, laway, at kontaminadong pagkain o prutas.

Sinabi nila na maaari itong magdulot ng mga nakamamatay na komplikasyon tulad ng pamamaga ng utak at sakit sa baga.

 

Written by Cheleste Simene

Photo courtesy of NetMeds

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img