28.3 C
Manila
Monday, April 15, 2024

DOH hinikayat ang publiko na manatili na lamang sa bahay ngayong Semana Santa

- Advertisement -

Hinimok ng Department of Health (DOH)  ang publiko ngayong Semana Santa na manatili sa kani-kanilang kabahayan sa harap ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang naging pahayag ni DOH undersecretary Maria Rosario Vergeire bunsod ng patuloy na tumataas na bilang ng kaso ng virus.

Dagdag pa ni Vergeire, bagama’t maituturing nang tradisyon ng mga Pilipino ang pagdiriwang ng ganitong okasyon, sinabi naman nito na mas maganda pa rin aniyang hindi maisaalang-alang ang kapakanan ng bawat-isa.

Kasunod nito, inanyayahan din niya ang publiko na sa ibang pamamaraan na lang ipagdiwang ang okasyon tulad ng pagdarasal at pagbabasa ng Bibliya.

Binigyang diin din ang pagpapanatili sa physical distancing sa isa’t-isa kahit pa nakapirmi ang karamihan sa bahay, lalo na aniya kung may mga kasamang matanda at batang miyembro ng pamilya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -