DOH dapat iprayoridad ang pagbili ng rapid test kits kaysa hazmat suits —Tolentino

0
25

Dapat na iprayoridad ng Department of Health (DOH) ang pagbili sa mga rapid test kits –kaysa gumastos ng malaking halaga sa mga hazmat suits.

Ito ang iginiit ni Senador Francis Tolentino matapos makapagdevelop ang Jiangzhou Province ng rapid test kit kung saan kaya nitong i-detect ang 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD) sa loob lamang ng 15-minuto.

Sinabi ng senador, nakadidismaya kasi na hanggang sa ngayon ay umaasa lamang ang DOH sa mga equipment at primer na ipinahiram ng Japan, gayong dapat na tinututukan ng ahensiya ang pagdevelop sa mga rapid testing kits para sa mas mabilis na padetect ng 2019 nCoV-ARD.

Matatandaang nito lamang Martes, ika-4 ng Pebrero, nang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P2.25-bilyon na budget para sa pagbili ng personal protective equipment ng mga health workers.