DOH: 1 sa 5 COVID-19 case ay mga health workers

0
40

Isa sa bawat limang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa ay pawang mga health workers.

Ito ay ayon sa Department of Health (DOH) kung saan nasa 20% ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa ay mga health workers.

Aabot na umano sa 1,758 ang health workers na mayroon nang COVID-19 habang 34 sa bilang naito ang binawian na ng buhay.

Gayuman sinabi ng DOH na nakikitaan na nag pagbaba ng bilang ng mga health workers na tinatamaan ng COVID-19.