DOE at ERC posibleng managot sa magkakasunod na brownout sa Luzon

0
43

Posibleng maharap sa kasong administratibo ang mga opisyal ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC).

Ito’y dahil sa sunod-sunod na nararanasang brownout sa Luzon.

Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, maaaring panagutin ang DOE at ERC sa hindi nito pagkastigo sa mga planta na bigong magbigay ng kanilang kinontratang kuryente.

Giit ni Gatchalian, hanggang sa ngayon na nararanasan ang manipis na suplay na kuryente ay walang ginagawang aksyon ang DOE at ERC para parusahan, pagmultahin o tapyasan ng insentibo ang naturang mga kumpaniya ng kuryente.