Monday, May 13, 2024

DND at Philippine Army handang sumagot sa mga akusasyon

- Advertisement -

Nakahanda na ang Department of Defense at Philippine Army na sagutin ang akusasyong harassment at red tagging ng ilang mga progresibong grupo.

Ito ang tiniyak nina Defense secretary Delfin Lorenzana at Philippine Army spokerpeson Lt. Col. Ramon Zagala, matapos paburan ng Korte Suprema ang inihaing writs of amparo at habeas data ng ilang mga grupo.

Ayon kay Lorenzana, handa silang sagutin ang bawat alegasyon sa tamang panahon at lugar oras na hingin na ng korte ang kanilang panig.

Tiwala rin silang lalabas ang katotohanan at mapatutunayan nilang sinusunod lamang nila ang isinasaad ng batas.

Binigyang diin naman ni Zagala na nakasalig sa paggagalang sa karapatang pantao at international humanitarian law ang kanilang mga ikinakasang operasyon na naglalayon lamang na matiyak ang seguridad ng publiko.

with report from Jaymark Dagala (Patrol 9)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -