28.7 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Disaster awareness dapat ituro sa elementary at high school — Angara

- Advertisement -

Muling binuhay ni Senador Sonny Angara ang kaniyang panukalang isama ang disaster awareness at disaster management mitigation sa school curriculum sa lahat ng primary at secondary schools sa bansa.

Ayon kay Angara, ito ay para maiwasan ang matinding pinsala sa mga nararanasang kalamidad sa bansa.

Naniniwala rin ang senador na kailangang ito ng bansa bilang madalas na nakakaranas ng mga kalamidad tulad ng bagyo, baha, lindol, pagsabog ng bulkan at tag-tuyot.

Sinabi rin ni Angara na bilang isang ama ay nauunawaan niya ang pangamba ng mga magulang sa tuwing hindi nila kasama ang kanilang mga anak sa oras ng sakuna kaya’t mainam aniyang magkaroon din ng kaalaman ang mga bata sa mga maaaring gawin sa panahon ng kalamidad.

(Ulat ni Cely Bueno)

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -