Direktor ng PNPA sinibak sa pwesto hinggil sa umano’y kahalayan sa akademiya

0
54

Sinibak sa pwesto ang direktor ng Philippine National Police Academy (PNPA) matapos magpagawa umano ng kahalayan ang tatlong upperclassmen sa dalawang plebo ng akademiya.

Sa utos ni Department of Interior and Local Government (DILG) acting Secretary Eduardo Año, pinasibak si PNPA Chief Joseph Adnol kasunod ng umano’y pag utos ng tatlong kadete sa dalawang freshmen na magsagawa ng oral sex.

Bukod kay Adnol, mahaharap naman sa kaso ang dalawa pang upperclassmen na nanuod sa kahalayang pinagawa sa dalawang plebo dahil hindi umano pumalag ang mga ito sa insidente.

Sinampahan ng grave misconduct ng Philippine National Police (PNP) ang tatlong kadete at maaaring ma-dismiss sa PNPA ang mga ito.