25.3 C
Manila
Tuesday, February 27, 2024

Dipolog: Tulak ng shabu arestado

- Advertisement -

Arestado ang isang nagtutulak umano ng ipinagbabawal na gamot sa isinagawang joint drug buy bust operation ng Intelligence Operatives sa Provincial Drug Enforcement Unit o PDEU na pinangungunahan ni PLt Leo Fernandez Suan, Chief Intelligence kasama ang mga personahe ng City Drug Enforcement Unit o CDEU, at 1st ZNPMFC bandang alas 6:58 ng gabi sa may Barangay Turno, Dipolog City.

Kinilala ang dinakip na si Jofel Corpuz Maylon, legal age at residente sa Polo, Dapitan City.

Nakompiska mula sa posisyon at kontrol ni Jofel ang isang malalake at dalawang maliit na pakete ng pinaniniwalaang shabu, isang maliliit na pakete ng shabu na binili ng poseur buyer mula kay Jofel as buy bust evidence, P1,000.00 peso bill served as buy bust money, isang folded white paper as container ng shabu, isang cellphone at isang motorsiklo.

Dinala sa Provincial Crime Laboratory Office si Jofel para sa drug testing kasali na ang nakompiskang drug items para sa chemical examination.. (Rosevelt Mondinido)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -