Dipolog: Tulak ng shabu arestado ng otoridad

0
0

Arestado ang isang lalaki na nagtutulak umano ng ipinagbabawal na gamot sa isinagawang drug buy bust operation ng Intelligence Operatives sa Dipolog City Police Station na pinangungunahan ni PLt Ber John Tianok, Chief Intelligence bandang ala 1:44 ng hapon sa may Barangay Galas, Dipolog City.

Kinilala ang gidakop na si Denmark Alcarez Maquiling, 24 anyos at residente sa Mabini St., Biasong, Dipolog City.

Nakompiska mula sa posisyon at kontrol ni Denmark ang isang katamtamang laki at dalawang maliit na pakete ng pinaniniwalaang shabu, isang maliliit na pakete ng shabu na binili ng poseur buyer mula kay Denmark as buy bust evidence, isang P1,000.00 peso bill served as buy bust money at isang white band paper served as wrapper ng shabu.

Dinala sa Provincial Crime Laboratory Office si Denmark para sa drug testing kasali na ang nakompiskang drug items para sa chemical examination.

Samantalang nasa kustodiya na ng Dipolog City Police Station ang arestadong suspek habang hinihintay ang tamang kaso na isasampa ng korte laban sa kanya.

Source: ROSEVELT MONDINIDO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here