Davao: Tanker truck na may dalang kemikal nahulog sa Marilog, isa ang patay

0
0

Isa ang patay, habang isa ang sugatan matapos mahulog ang isang tanker truck sa bangin sa Sitio Lanitum, Barangay Suawan, Marilog District, Davao City. Naitala ang insidente kahapon, Agosto 1, pasado 11:44 ng gabi.

Ang tanker truck na may sakay na Caustic Soda ay may plate number na CAH6526, nakarehistro kay Jereel A. Ballares sa Zamora St., Maloloy-on, Molave Zambonga Del Sur. Habang ang nagmamaneho naman nito ay si Paciano Flores Doydora Jr., 39 taong gulang, nakatira sa Prk 1, Tubotubo Monkayo Compostela Valley.

Ayon sa truck helper na si Jerwin Tumiklas Guinandam, 27 taong gulang. Habang bumabyahe sila sa Davao Bukidnon National Highway papunta sa Davao City, pagkarating sa pakurbadang parte, iniwasan nila ang isang sasakyan na naging dahilan ng pagkawala ng kontrol ng drayber papuntang bangin.

Natagalan sa pagkuha ang patay na katawan ng biktima dahil sa utos ng 911 na nasa presensiya ng kemikal ang naaksidenteng truck.

Sa report, 7:52 ng umaga, Agosto 2, nakuha ang biktima na wala nang buhay habang ang isa ay tinulungan ng mga rescuers at dinala sa ospital.

Na secure din ang naturang lugar dahil sa hazardous materials na posibleng maka-apekto sa mga taong nasa palibot.

(Source: Davao City Central 911)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here