28.7 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Diokno inatasan ng Palasyo na huwag nang dumalo sa pork investigation ng Kamara

- Advertisement -

Inatasan na ng Malakanyang si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno na huwag nang dumalo sa imbestigasyon ng Kamara sa umano’y “pork” insertion at mga anomalya sa 2019 proposed national budget.

Ayon kay Diokno, mag-i-issue na lamang siya ng affidavit sa planong hearing upang kuwestyunin  kaugnay sa CT Leonico Construction na nakasungkit umano ng bilyun-bilyon pisong  government contract ngayong taon.

Pinag-aaralan na rin aniya ng Malakanyang ang Executive Order 464 kung saan hindi pinapayagan ang mga cabinet member na dumalo sa anumang imbestigasyon kung walang basbas ng pangulo at magiging “unparliamentary” ang proseso.

Magugunitang ginisa si Diokno ng mga kongresista sa pangunguna ni House Majority Floor Leader Rolando Andaya sa “question hour” kaugnay sa umano’y pork insertions sa proposed 2019 national budget.

Inungkat din sa Kamara ang personal umanong kaugnayan ng kalihim sa CT Leoncio.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -