Diokno di sumipot sa pagdinig ng Kongreso

0
53

Muli na namang hindi sumipot si Budget Secretary Benjamin Diokno sa nakatakda sanang pagdinig ng Kongreso ngayong araw hinggil sa kontrobersiyal na 75 bilyong pisong budget insertion sa 2019 proposed national budget.

Ayon kay Congressman Rolando Andaya, aabot na sa mahigit 300 bilyong piso ang ginastos sa tatlong taong termino ni Diokno sa Department of Budget and Management para sa flood control project.

Gayun pa man, bumabaha pa rin anya sa mga lugar na pinaglaanan umano ng naturang pondo.


Ipagpapatuloy ng House Committee on Rules ang pag-iimbestiga sa flood control scam na ibinibintang kay Budget Secretary Benjamin Diokno.

Sa pangunguna ni Congressman Rolando Andaya, muling inimbitahan ang kalihim na dumalo ngayong araw sa isang hearing para pasagutin sa mga katanungan hinggil sa pagbibigay niya ng milyun-milyong halaga ng salapi para sa proyekto sa distrito ng kanyang kaanak sa lugar ng Bicol.

Iminungkahi rin ni Andaya na maglalabas na ng subpoena para sa kalihim sakaling hindi siya dumalo ngayong araw sa pagdinig ng kongreso.

(with report from Jill Resontoc)