Dinukot na babaeng Chinese sa Makati, tukoy na

0
25

Natukoy na ng Makati City Police ang pagkakakilanlan ng babaeng Chinese na dinukot sa Makati City, kagabi.

Kinilala Makati City Police Investigation Unit Chief Police Major Gideon Ines Jr. ang biktima na si Zhou Mei, 28 anyos at empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Ayon kay Ines, nakuha nila ang impormasyon kasunod ng paglutang ng kaanak ng biktima at sa ikinasa nilang follow up operation.

Nabatid din na asawa ng biktima ang isang Chen Tangbin na nakalagay sa narekober na deed of sale ng Honda accord at ibinenta naman ng Chinese national na si Mr. Jianwei.

Dagdag ni Ines, kanila ring natuklasan na may isang hindi pa natutukoy na tao ang sinasabing nanghihing ng pera kay Tangbin.

Samantala, hindi naman naabutan ng pulisya si Tangbin sa tinitirahan nitong unit sa Eton Residences sa Greenbelt Makati dahil nagmamadali umano itong umalis ayon sa mga security guards.