DILG Usec. Densing handa umanong magbitiw sa pwesto

0
48

Handa umanong magbitiw sa pwesto si Department of Interior and Local Government o DILG Undersecretary Epimaco Densing kapag natuloy ang reclamation projects sa Manila Bay.

Ayon kay Densing, tiyak na lulubog lalo sa baha ang kalakhang Maynila kapag tinabunan pa ng lupa ang Manila Bay.

Giit pa ng opisyal, hindi na niya kailangan pang manatili sa posisyon kung magkaiba sila ng pananaw ni Pangulong Rodrigo Duterte lumilitaw na reclamation sa Manila Bay.

Naniniwala rin si Densing na kapag ang isang proyekto ay makakasama sa taumbayan, hindi magdadalawang isip ang pangulo na ito ay ibasura.

Magugunitang lumutang ang usap-usapan hinggil sa reclamation project sa Manila Bay matapos pasimulan nuong Enero ang clean up sa paligid nito.