Tuesday, April 30, 2024

DILG umapela sa LGU’s na pamunuan ang laban kontra COVID-19

- Advertisement -

Umapela ang Deparment of Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan na pamunuan ang laban kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kasunod ito nang desisyon ng pamahalaan na luwagan na lamang ang mga umiiral na health protocols sa bansa.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, dapat na paigitingin pa rin ng mga  local government unit (LGU)’s ang kanilang mga hakbang at programa laban sa COVID-19.

Sinabi ni Año, bagamat nasa general community quarantine (GCQ)  na lamang ang ilang bahagi ng bansa ay dapat pa ring pairalin ang mga sumusunod na health protocols.

–           pagsusuot ng face masks sa mga pampublikong lugar

–           social distancing na may isang metrong layo sa bawat isa

–           pagpapatupad ng curfew hours

–           one-passenger rule sa mga tricycles at iba pa.

Sa ilalim ng GCQ, magbabalik operasyon na ang ilang mga piling sektor o industriya ng ilang porsyento ng kanilang kabuuang kapasidad.

Habang papayagan na rin ang limitadong pagbiyahe ng ilang pampublikong transportasyon gaya ng pampasaherong bus, tren, MRT,  LRT at maging ng mga tricycle, taxi at Grabcar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img