Friday, May 3, 2024

DILG kinwestyun ang kidnapping list ng US State Department

- Advertisement -

Hindi sang-ayon ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa inilabas na listahan ng Estados Unidos na umanoy kabilang ang Pilipinas sa mga bansang may mataas na kaso ng kidnapping at hostage taking.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, sa katunayan bumaba na ang bilang ng kidnapping cases sa Pilipinas sa nakilapas na ilang taon dahil sa pinaigting at walang humpay na kampanya ng administrasyon  laban sa krminiladad.

Pahayag ni Año, matibay ang pinanghahawakan nilang mga datos na magpapatunay nang pagbaba ng kaso ng pagdukot sa bansa.

Una nang sinabi ng DILG na base sa report ng Philippine National Police (PNP), 68 kaso lamang ng kidnapping ang naitala sa Pilipinas noong 2018,  kungsaan mas mababa umano ito kung ikukumpara noong 2017.

Samantala, ngayong 2019, aabot pa lamang daw sa 10 cases of kidnapping ang naitatala ng mga otoridad.

Tiniyak naman Año na kokonsultahin nila ang US Embassy upang malaman kung saan nakuha ng Estados Unidos ang inilabas nilang listahan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img