DICT handang mag-imbestiga sa pagkalat ng video scandal ni Jim Paredes

0
69

Handa ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na imbestigahan ang pagkalat ng pribadong video ng singer na si Jim Paredes sa social media.

Ayon kay DICT Secretary Eliseo Rio, posibleng managot ang mga nag-upload at nag-share ng nasabing video ni Paredes sa ilalim ng cybercrime law.

Aniya, ipinagbabawal sa batas ang pag-popost ng isang pribadong video sa anumang public platform.

Gayunman sinabi ni Rio na wala pa silang natatanggap na anumang pormal na reklamo mula kay Paredes.

“’Yung kay Jim Paredes ito ay pornographic in a sense, at kung sino man ang mag-post ng isang pornographic video clip ay puwedeng kasuhan kasi labag sa batas ‘yan na mag-post ka niyan sa social media, in that sense kahit hindi ikaw ang original author ng pornographic material na ‘yun dahil pinalabas mo, pinost mo ay puwede kang kasuhan, huwag mo pang i-share dahil parang ikaw na rin ang nag-post nun.” Pahayag ni Rio

(Balitang Todong Lakas Interview)