Iriga City – Masayang ibinalita ni Mayor Madel Yorobe Alfelor ng Iriga ang pagsisimula ng dialysis center sa lungsod na malaking tulong lalo na sa mga may sakit at nag didialysis na pasyente.
Ayon sa punong lungsod, matagal na itong hinihingi ng mga mamamayan subalit ngayon lamang nagkaroon ng mga dialyzing machine kung saan 15 ang inaasahan.
Kalimitan na umaabot sa limang libo ang gastos bawal pasyente sa pagpa dialysis nito sa mga pribadong dialysis center.
An iba sa mga mamamayan ay nananawagan na rin na sana matupad na rin ang pagkakaroon ng City Hospital ng Lungsod, upang matugunan ang aspetong pankalugan sa lungsod lalo na ngayong panahon ng pandemic. (OIC Melvin Barayoga, RPN DZKI Iriga)
(Source: LGU Iriga)