DFA tiniyak na walang Filipino ang nasaktan o nasawi sa pananalasa ng TY Jebi sa Japan

0
46

Walang Filipino ang nasakatan o nasawi sa paghagupit ng Typhoon Jebi sa Japan.

Ito ang tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) kasabay ng pag-papaabot ng pakikiramay sa isa sa mga pinakamalapit na kaalyadong bansa ng Pilipinas.

Ayon sa DFA, wala pang natatanggap na anumang ulat ang embahada ng Pilipinas sa Tokyo at ng consulate general sa Osaka kung may Pinoy napabilang sa 10 nasawi at mahigit na 300 ang sugatan sa pananalasa ng Typhoon Jebi sa nabanggit na bansa.

Pagtitiyak pa ng DFA, patuloy nilang babantayan ang sitwasyon sa Japan at kalagayan ng nasa 280,000 Filipino doon.

Nakahanda rin aniya ang embahada at konsulada ng Pilipinas na magbigay ayuda sa mga Filipinong naapektuhan ng Typhoon Jebi sa Japan.