DFA ikinabahala ang kawalan ng pagpataw ng parusa kaugnay sa nangyari sa Recto Bank

0
58

Ikinabahala ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy ang kawalan ng ipinapataw na parusa sa ilalim ng international law kaugnay ng kabiguan ng crew ng anumang barko na tulungan ang sinumang nasa peligro habang nasa karagatan.

Ito ang binigyang diin ni Locsin sa kanyang pahayag sa 29th meeting of state parties to the United Nations Convention of the Law of the Sea o UNCLOS kung saan kanyang ikinuwento ang nangyaring pagbangga ng Chinese vessel sa bangka ng mga pilipinong mangingisda.

Aniya, naka-angkla ang barkong pangisda ng mga Pilipino sa Recto Bank sa West Philipine Sea na bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas nang banggain ito ng Chinese vessel at lumubog.

Dagdag ni Locsin, nagbibigay ang UNCLOS ng isang komprehensibong ligal na patnubay para sa mga karagatan at sinusunod ito ng mga bansa para maiwasan ang anarchy.

Binanggit din ng kalihim ang article 33 ng UNCLOS kung saan nakasaad na obligasyon ng isang barko ang mabigay ng tulong sa barko at tripulante nito na nasa panganib.