DFA binalaan ang mga Pinoy sa California dahil sa wildfire  

0
43

Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino sa California, USA, na maging alerto at magtungo sa mga ligtas na lugar, kasunod ng nangyaring wildfire incident doon na kumitil na sa buhay ng siyam na katao.

Kinumpirma naman ng DFA na walang pinoy na nasaktan sa naturang insidente.

Base sa ulat, nagpatupad na ng massive evacuation sa malaking bahagi ng California dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy.

Hindi naman inaalis ng mga otoridad ang posibilidad na marami pang bangkay ang matagpuan kapag tuluyan nang naapula ang sunog doon.

Aabot na umano sa mahigit 36,000 hectares ang lawak ng lupaing naapektuhan dahil sa nangyaring wildfire.