30.6 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Desisyon sa kaso ng Maguindanao Massacre hindi pa mailalabas

- Advertisement -

Posibleng hindi pa magpalabas ng desisyon ang Quezon City RTC Branch 221 Maguindanao Massacre case bago ang anibersaryo nito sa November 23.

Ito ay kung pagbibigyan ng Korte Suprema ang kahilingan ni Presiding Judge Jocelyn Solis -Reyes na bigyan pa s’ya ng isang buwang extension para desisyunan ang kaso.

Sa ikatlong linggo ng Nobyembre sana ang deadline upang magpalabas ng desisyon si Reyes o 90 araw matapos na ideklarang submitted for decision ang kaso noong Agosto 22 .

Sa kanyang petisyon sa Korte Suprema, sinabi ni Reyes na kailangan n’ya ng dagdag na panahon dahil sa napakaraming records ng kaso.

Tinukoy ni Reyes ang 166 na volumes ng records of proceedings, 65 volumes ng transcripts of stenographic notes at walong volumes ng prosecution documentary evidence.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -