Desisyon ng DOE sa fuel unbundling data binatikos ni Zarate

0
59

Binatikos ni Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Zarate ang desisyon ng DOE o Deparment of energy na huwag munang isapubliko ang fuel unbundling data.

Ayon kay Zarate, tulad nang pag-konsumo sa tubig ay karapatan rin ng publiko na malaman ang detalye ng pagtakda ng presyo ng produktong petrolyo.

Aniya, ito ay upang maging mapag matiyag ang publiko sa posibleng pang-aabuso ng mga kumpanya ng langis kagaya na lamang ng over pricing ng langis.

Kaugnay nito, hinimok rin naman ni Zarate ang DOE na ilabas na ang fuel unbundling memo na ipinangakong isasapubliko ng ahensiya noon pang Nobyembre taong 2017.

Paliwanag ni Zarate, mahalaga ang datos na ito upang masilip kung nagpapataw ang mga oil companies ng labis na presyo bunsod ng TRAIN Law.

(with report from Jill Resontoc)