Desisyon kaugnay sa bullying incident tiniyak na agad ilalabas ng ADMU

0
50

Tiniyak ng pamunuan ng Ateneo De Manila University na agad nilang ilalabas ang desisyon hinggil sa nangyaring insidente ng bullying sa kanilang paaralan.

Ito ay matapos maglunsad si ADMU President Fr. Jose Ramon Villarin ng pormal na imbestigasyon sa insidente.

Ayon kay Villarin, nadinig na ng komite ang panig ng mga sangkot na estudyante.

Nauna ng kinondena ni Villarin ang pangyayari matapos ang pagkalat ng video ng pambubully ng isang junior high school student sa kapwa nito estudyante.

Samantala, umapela naman ang pamunuan ng Ateneo De Manila sa publiko na itigil na ang pagpapakalat ng video sa social media lalo’t menor de edad ang sangkot dito.