Deportation request laban sa Pinay OFW na bumabatikos kay Duterte online ibinasura ng Taiwan

0
28

Ibinasura ng gobyerno ng Taiwan ang apela ng Department of Labor and Employement (DOLE) na i-deport ang Filipina caregiver dahil sa hindi magandang komento at pahayag nito kay Pangulong Rodrigo Duterte sa social media.

Ayon sa Taiwan’s Ministry of Foreign Affairs (MOFA), lahat ng dayuhang manggagawa sa Taiwan ay binibigyan ng kanilang gobyerno ng pantay na karapatan at karapatan para sa malayang pamamahayag.

Matatandaang, hiniling ng DOLE sa gobyerno ng Taiwan na ipa-deport ang OFW na si Elanel Ordidor dahil sa mga kritikal na pahayag nito sa social media hinggil sa pamamalakad ni Pangulong Duterte sa krisis na kinahaharap ng Pilipinas.

Ayon kay Labor attache Fidel Macauyag, maituturing na katumbas ng krimen ang naging aksyon ni Ortidor at dapat itong mapatawan ng parusa.

Dahil dito, nanindigan ang pamahalaan ng Taiwan na isang malayang bansa ang Taiwan at binibigyan nito ng pantay na karapatan at pagkilala ang mga dayuhan sa kanilang bansa.

Gayunman, itinanggi namam ni Presidential spokesman Harry Roque ang nabanggit na deportation request.