Deployment ban sa Hong Kong tinutulan ng konsulado ng bansa

0
7

Tutol ang konsulado ng bansa na magpatupad ng deployment ban sa Hong Kong.

Ayon kay Consul General Rally Tejada, nasa ligtas na kalagayan ang mga Pilipino sa Hong Kong sa kabila ng pagpapatuloy ng mararahas na protesta.

Sinabi ni Tejada na wala pa silang natatanggap na kahit anong report na mayroong pilipinong nawalan ng trabaho dahil sa mga protesta.

Tinatayang nasa 230,000 Pilipino ang nagtra trabaho sa Hong Kong, malaking porsyento nito ay bilang domestic helpers.