DepEd target maisali ang lahat ng public students sa feeding program

0
17

Target ng Department of Education (DepEd) na maisali sa feeding program ang lahat ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan.

Ito’y ayon kay Education Sec. Leonor Briones, matapos na isisi ni Senadora Cynthia Villar sa malnutrisyon at ang mababang produksyon ng gatas sa bansa ang dahilan ng poor academic performance ng mga mag-aaral.

Ayon kay Briones, hindi kasi lahat ng mga mag-aaral ay sakop ng nasabing feeding program kung saan saklaw lamang nito ang mga “severely wasted and malnourished” na mga bata.

Gayunman, nilinaw naman ni Briones na hindi naman lahat ng bata ay hiyang sa gatas, dahil mayroong mga lactose intolerant kaya’t mainam lamang na magkaroon ng milk substitute para rito.

Kasundod nito, tiniyak naman ng Department of Agriculture (DA) na kumikilos na ang ahensiya para maisaayos ang kanilang dairy program, at para mas mapalakas pa ang produksyon ng gatas sa Pilipinas.