Sunday, April 28, 2024

DepEd pinangunahan ang pagbubukas ng klase ngayong araw

- Advertisement -

Pinangunahan ni Education Secretary Leonor Briones at iba pang opisyal ng Department of Education ang flag raising ceremony sa Signal Village National High School sa Taguig City.

Kasama ni Briones Sina DepEd Undersecretaries Annalyn Sevilla, Jesus Mateo, Nepomuceno Malaluan at Asst. Secretary G.H. Ambat.

Sa kanyang mensahe, inamin ni Briones na nananatiling malaking hamon para sa Department of Education ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga pumapasok sa public schools.

Dahil dito, sinabi ni Briones na tuloy tuloy ang ginagawa nilang pag aaral sa curriculum na ginagamit ngayon, pagbuo ng learning resources at pagdagdag ng mga guro.

Tiniyak rin ni Briones na patuloy ang ginagawa nilang pagsasa-ayos sa mga pasilidad sa mga paaralan upang matiyak na matibay ang mga ito sa bagyo at lindol.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -