Wednesday, May 8, 2024

DepEd nagbabala sa publiko hinggil sa pagkalat ng mga scammer

- Advertisement -

Muling iginiit ng Department of Education (DepEd) na wala silang inaatasang mga tauhan upang mag-ikot at humingi ng tulong pinansyal gamit ang pangalan ng kanilang mga opisyal.

Ito ang binigyang diin ng kagawaran sa inilabas nilang pahayag makaraang kumalat ang ulat na may ilang mga kawatang ginagamit ang pangalan mismo ni DepEd Sec. Leonor Briones sa paglikom ng donasyon.

Nabatid na nagpapakilala ang mga kawatan na mga staff ng Office of the Secretary at kinikikilan umano nito ang mga supplier at contractor ng DepEd sa kanilang mga proyekto.

Dahil dito, hinimok ng DepEd ang publiko na ipagbigay alam lang sa kanilang tanggapan sa sandaling may ma-engkuwentro silang mga ganitong tao sa mga numero bilang 8636-1663 at 8633-1942.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img