DepEd magpapatayo ng 2,000 clinics sa mga public schools

0
61

Mahigit 2,000 clinic ang ipapatayo ng Department of Education sa mga pampublikong eskuwelahan sa bansa sa susunod na taon.

Sinabi ni Education Undersecretary for Administration Alain Del Pascua na layon ng mga klinika na matiyak na suportado ng ahensya ang basic primary health at dental care ng mga kabataan.

Ito aniya ang kauna unahang pagkakataon na gagawing clinic ang ilang classroom ng mga paaralan at magsisilbi ring physical centers ng oplan kalusugan o “Ok sa Dep ed” program.

Inihayag pa ni Del Pascua na magsisimula ang implementasyon ng klinika sa pagsisimula ng susunod na taon sa sandaling aprubahan ito ng kongreso.