Saturday, May 4, 2024

DepEd hindi maglalabas ng personal info ng mga gurong miyembro ng ACT

- Advertisement -

Hindi maglalabas ang Department of Education (DepEd) ng anumang personal na impormasyon hinggil sa mga pampublikong guro na miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT).

Tiniyak ito ni Education Secretary Leonor Briones, base na rin sa Data Privacy Act of 2012.

Ayon kay Briones, ipinag-utos na niya sa regional offices ng DepEd na huwag magpalabas ng mga impormasyon hinggil sa ACT matapos maalarma sa umano’y isinasagawang profiling ng PNP sa mga miyembro nito.

Una nang hiwalay na nakipagpulong sina Briones at mga kinatawan ng ACT kay Deparmtnet of Interior and Local Government o DILG Secretary Eduardo Año hinggil sa profiling ng mga miyembro ng grupo.

Magugunitang nag-leak ang memorandum ng PNP hinggil sa profiling na nagpagalit sa mga guro at human rights groups.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img